Sunday, February 28, 2010

27

Mahirap pala pag wala kang gingagawa buong araw. Di mo makita o mapansin o matanggap ang mga bagay o pangyayari na pasasalamatan mo. Di gaya ng pag marami kang ginagawa, parang kahit hirap na hirap ka madami kang naiisip na dapat ipagpasalamat o ipagbunyi.

Gaya ngayon, ano ba ang dapat ko ipagpasalamat? Simple, ang buong araw ng aking pagpapahinga. Ang hangin na aking hinihinga. Ang tubig na aking pinandidilig sa mga halaman ko. Ang mga kawayan na naguumpisa nang lumago sa harap ng bahay. Ang aking mga magulang at ang mga huling oras o araw namin na aming pinagsasaluhan. Ang init ng katawan ng aking asawa na dumadantay sa aking katawan tuwing pagtulog. Ang gisadong monggo na niluto ni ermat....ang inihaw na manok ng chicken bacolod, namit! Ang pagkakataon na ialay ko ang aking oras at sasakyan sa aking paboritong pamangkin habang sila'y andito pa sa pinas. Salamat at dahil ipinagmaneho ko siya, siya ay nakarating ng maayos sa party ng kaibigan niya sa Makati at nakauwi rin kami ng maayons.

Marami pa rin pala akong dapat ipagpasalamat!